Archive for Langit ng Pag-asa

Filipino (taglish pwede?)

Ang tanong po ng aking magandang asawa ay bakit hindi ko kinakausap si Kikzy sa Tagalog o Filipino. Ang tanging sagot ko po ay “Hmmm bakit nga ba?” Wala po aking makausap ng matuwid na filipino dito sa aming lugar. Lahat ay ingles ang salita. Ang tanging comunidad ng filipino dito ay sa simbahan at paminsan lang kaming maki salo… Huwag nyo po akong sisihin kung hindi makaintindi si kizky ng Filipino.

Nung nasa Japan po ako bilang isang batang engineer, ang tanging tambayan namin sa (Rodel grabs a pilipino-ingles dictionary to look for the word “weekend” only to find it has no equivalent) linggo ay ang simbahan. May malaking community ng pinoy sa nagoya at negrerevolve ito sa simbahan dahil nga raw ang pinoy ay marelihiyoso.

Ngayon sa trabaho, may higit na walong pinoy: isang electrical engineer, isang despatch personnel, isang shift coordinator, tatlong crew members at iba pa. Paminsan lang kaming naguusap sa filipino dahil ayaw naming ma ilagay sa akward position ang aming mga collegues para symbolo ng common respect.

Gustong matuto ni misis magtagalog para matuto rin ang aming anak. Ang tanong – Taglish pwede?… hindi raw! Patay kang bata ka.